Sunday, September 09, 2007
hindi naman laging masaya ang buhay. minsan naguguluhan din ako. naging mabuti naman akong anak, kapatid, at kaibigan. karamihan sa ginagawa kong desisyon, hindi naman para lagi sa ikabubuti ko. madalas, puro sa mga taong mahal ko. labing siyam na taon na akong nabubuhay pero nasasaktan ako na sa lahat ng pagsasakripisyo na ginagawa ko, eto pa ang nagiging mga kapalit. di naman ako mareklamong tao pero bakit ganito? lahat naman ng hiniling ko puro naman libre at puro nasa akin na naman. pero bakit ganun? bakit kinukuha na lahat? pamilya ko, kaibigan, ano na lang ang natira sa akin? masyado naman naging mapait ang kapalaran para sa akin...
 
posted by aaronjames at 3:40 AM | Permalink | 0 comments
Wednesday, January 24, 2007
Hello! hahaha. sa tanang buhay ko, ngaun pa lang yata ako makakagawa ng isang blog na puro tagalog talga, o kung di man eh salit lang ung english. minsan kasi naisip ko, dami ko gusto ishare kaya lang mahirap pala mag-english. haha. di naman talaga mahirap. ung di ko lang kaya dun is mas maexpress ung sarili ko ng mas maganda. di ba mas masarap ung feeling na talagang naexpress mo. hindi rin naman comments ang habol ko pero syempre, hinahanap ko rin un kasi mas nakakataba ng puso na may mga willing makinig sa mga kwento mo. i used the term makinig kasi, iba kapag basa. kapag binasa mo, pwedeng walang feelings. kapag nakinig, alam mo totoo. since this is my first time, masasabi ko, masaya pala na maexpress mo rin ung sarili mo sa bagay na hindi mo pa naranasan. kasi, even in personal, kapag ung nararamdaman ko talaga is mas naeexpress ko kasi ung sarili ko. kung sa loob and kapag nagrereflect ako, mas nakakausap ko ang sarili ko sa Filipino. nakakatawa di ba. ngayon, feeling ko ang gaan gaan ng loob ko. hehe. alam ko, hindi macocompare ung isa kong blog dito. magkaiba naman kasi ng style and theme ng sulat. marahil questions lang about bakit naman may tagalog tapos may english. haha. pero di naman un un. siguro may ilan na translated lang. di naman kasi puro noypi ang friends ko. may koreano, singaporean. malaysian, indonesian, and american. syempre, pag nag-uusap kami, english. may halo ng language nila and language ko pero slight lang. un. pero kung nababasa mo rin ung blog kong isa, mas malalaman mo lang kung san ko mas nakakapag-express ng thoughts. hehe.
 
posted by aaronjames at 4:58 AM | Permalink | 0 comments